6 Magandang Negosyo na Puwede Mong Masubukan

magandang negosyo na puwede mong subukan

Ikaw ba ay naghahanap ng magandang negosyo dahil sa tingin mo ay may sapat ka ng puhunan? Kung Oo pwes congratulations dahil nasa tama kang lugar.

Sa panahon ngayon kung wala kang diskarte sa buhay sigurado mahihirapan ka talags at kung nagtratrabaho ka ngayon maiintindihan mo na sa negosyo talaga gagaan ang buhay mo ngunit kailangan mo ng mahabang pag plano, pag-aaral at ang pinaka importante dapat meron kang sapat na puhunan.

At para ikaw ay makaplano sa hinahanap mong negosyo, ito ang mga magandang negosyo na puwede mong masubukan.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

6 Magandang Negosyo Na Puwede Mong Masubukan

Egg Busines

Halos lahat ng pagkain ngayon ginagamitan na ng itlog o egg so ibig sabihin hindi malayo na isa itong mabentang produkto na puwede mong inegosyo. Ang potential na kita sa egg business ay umaabot ng 20 - 40 pesos per tray dipende sa supplier mo ng itlog. Kung may direct farm supplier ka mas malaki ang kikitain mo.

Sa negosyong ito kailangan mo ng sariling tricycle para makadistribute mo ng mabuti yung mga itlog na ibebenta mo. Mas gusto ng tao kapag yung itlog ay dinideliver magandang pampahatak ng tao para bumili sila sayo.

Boarding House / Appartment

May sarili ka bang lupa o malaki ba bahay mo tapos iilan lang kayo sa bahay? Bakit hindi mo gawin paupahan para masigurado mo meron kang kikitain kada buwan diba?

Food Business

Magaling ka ba mag luto at meron kang puwesto malapit sa daan? Bakit hindi ka mag food business ng drive thru food business ng merienda o mga ulam.

Online Business

Magaling ka ba sa computer at internet bakit hindi ka mag online business, puwede ka maging blogger, online seller, freelancer o virtual assitant. Ang maganda sa online business di mo na kailangan ng malaking puhunan pero meron na tong potential na tripleng kita kesa sa puwede mong kitain sa abroad. Ang kailangan mo lang ay mahabang pasensya at mahabang pag aaral para magkaroon ka ng sapat ka ng kaalaman paano magpatakbo ng online business.

Baking Business

Wala ba masyadong bakery sa inyong lugar? Bakit hindi ka mag bakery business? Umaga umaga di ka mawawalan ng customers, syempre dahil food business ito di ka talaga mawawalan ng customers. Lalo na kung may hotdog at burger buns kang binebenta lagi tong maaubos indemand sa mga negosyante nag bebenta ng ibat-ibang sandwiches.

Ihaw Business

Kadalasan ng mga tao kapag gabi kadalasan mga pagod yan galing trabaho at ayaw na nilang magluto para kakainin sa hapunan at ang iba naman di marunong magluto kaya kadalasan mga tao ngayon instant ulam na ang pinupuntahan, kung makakagawa ka ng masarap na marination at sauce para sa iyong ihaw business ay siguradong dudumugin ka ng mga tao gabi-gabi.

Sana ay meron kang natutunan sa blog ko, kung meron ka duda o may tanong ka o meron kang gusto sabhin, wag kang mahiya mag comment sa baba at excited na ako sa kung ano ang nasa iyong isip. Salamat ang good luck sayo!
6 Magandang Negosyo na Puwede Mong Masubukan 6 Magandang Negosyo na Puwede Mong Masubukan Reviewed by Paul on June 25, 2019 Rating: 5