7 Negosyo na Puwedeng Gawin sa Maliit na Puhunan

negosyo maliit na puhunan

Ikaw ba ay naghahanap ng mga negosyo na puwede mong gawin sa maliit na puhunan lamang? Kung Oo ay nasa tama kang lugar.

Sa panahon ngayon importante na dapat tayo maging madiskarte sa buhay kung gusto natin umasenso sa buhay kaya eto ang mga negosyo na puwede mong gawin para madagdagan ang iyong kita.

Dahil maliit lang ang puhunan netong mga negosyo na to kailangan madiskarte ka at lagi mo itong ikot-ikoting ang kita hangang ikaw ay maging handa na sa mga negosyong kailangan ng malaking puhunan.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

7 Negosyo na Puwedeng Gawin sa Maliit na Pahina

Mineral Water Business

Maskin sino puwedeng mauhaw kaya hindi malayo na madali lang ito ibenta. Ang kita dito ay 80% to 90% at kung makakabenta ka neto ng kahit 25 pcs lamang puwede ka ng kumita ng more or less a net of 200 peso na.

Mabenta ito sa mga sport centers o doon sa mga paradahan ng mga jeepney.

Ice Candy Business

Sino ba naman ayaw ng mga matatamis at pampawala ng init, kung masarap ang iyong ginawang ice candy di malayo makakabenta ka ng marami. Ang maganda sa negosyong ito ay puwede ka mag iwan ng mga ice candy sa mga tindahan at puwede ka na kumita kahit di mo na nilalako ito.

E-Loading Business

Para makaumpisa ka ng E-Loading business ang kailangan mo lang ay cellphone,retailer sim at load balance na mabibili mo sa mga retailer load sellers. Sino ba naman ayaw ng load, lahat ng tao ngayon kailangan ng load para puwede sila mag text,call,internet at mag laro ng online games.

Street Food Business

Kung mahilig ka sa pagkain,puwede ka mag street food business tulad ng inihaw na hotdog,isda,isaw,barbecue at iba pa. Ang kailangan mo lang ay maliit na lugar,lutuan ng ihaw at uling at puwede ka ng mag negosyo.

Blogging

Dahil high tech na tayo ngayon lahat na yata ng tao madali nang maka-access ng internet, ibig sabihin ang pagbloblog ngayon ay puwede nang gawin negosyo. Kung ang blog mo ay marami nang mambabasa puwede mong lagyan ng ads ang iyong blog at tuwing meron magclicclick ng ads sa blog mo automatic ka nang kikita ng pera, kung di ka marunong gumawa ng blog meron akong tutorial paano gumawa ng blog for free.

Online Selling Business

Sa online selling business kailangan mo ng produkto dito. Puwede kang kumuha ng mga produkto galing sa lazada, mag take advantage ka by buying bundle para makatipid ka ng shipping fee at ibenta mo ang nabili mong produkto sa facebook offering cash on delivery gamit ang serbisyo ng LBC.

Para kang nag buy and sell pero di ikaw ang magdadala ng produkto sa customer kungdi ang LBC delivery man.

Sari-Sari Store

Kung may sapat kang ipon at sa tingin mo ay kaya mong magpatakbo ng munting tindahan then go for it puwede kang kumita ng 3,000 - 20,000 kada buwan dipende sa sipag at diskarte mo

PLDT Sale Agent Business

Ang puhunan mo lang dito ay requirements lamang. Ang gagawin mo dito ay maghahanap ka ng taong gusto magpakabit ng internet sa bawat successful intallation ng internet sa bahay ng mga customer mo may commission ka ng 800 - 1500 commission dipende sa plan na apply nila sayo.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!

7 Negosyo na Puwedeng Gawin sa Maliit na Puhunan 7 Negosyo na Puwedeng Gawin sa Maliit na Puhunan Reviewed by Paul on June 21, 2019 Rating: 5