Ang Negosyo Na Walang Lugi For Filipinos

negosyo na walang lugi

Ikaw ba ay naghahanap ng negosyong walang lugi? Kadalasan ang mga nagtatanong nito ay mga empleyado na naghahanap ng dagdag kita at gusto mong mag baka sakali sa pagnenegosyo.

Kasi madalas ang taong nagnenegosyo naman talaga ang laging unang umaasenso sa buhay at kaya napunta ka dito sa blog ko.

Kapag natapos mong basahin ang page na to sigurado ako na makakadecide ka na ng negosyo na para sayo na walang kalugi-lugi.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

Ito ay kwento ng buhay mo, sa simula ikaw ay mag-aaral, mag-aaral hangang grumaduate tapos maghahanap ka ng trabaho, di na importante kung maganda o hinde ang iyong trabaho dahil ang gusto mo lang naman ang magkatrabaho ng maaga.

Tapos mag-iipon ka ng pera pero sa huli ay wala parin ipon na malaki, ang malaki lang ay luho at  ang iba naman ay utang. Ito yung realidad ng lahat ng tao na nagtratrabaho, ito ay buhay ng isang empleyado.

Di ko naman sinabi na masama maging empleyado dahil maganda naman na may matatangap kang sweldo sa kinsena at katapusan ng buwan ito yung tinatawag ko na ordinaryong buhay dahil alam mo kung ano mangyayari sa dulo, pension ito yung matatangap mo.

Ganito ang buhay nang isang tao na umaasa lang sa trabaho at walang masama doon dahil its a good life but its not a great life and we deserve a great life at to have a great life negosyo ang sagot kaibigan.

So naghahanap ka ng negosyong walang lugi at naghahanap ka ng opportunity na sigurado ang mangyayari. at ang siguradong bagay ay magdadala sayo sa buhay ordinaryo dahil ang sigurado na inaasam mo ay walang kaibahan sa pagtratrabaho na di naman masama pero di yun ang inaasam mong buhay na gusto mo.

Dahil ang tunay na negosyo na siguradong magpapaasenso sayo ay ang negosyo na may lugi at tutulungan kita kung paano na di ka malulugi ng malaki.

Ang pagnenegosyo ay kabaliktaran sa buhay na ordinaryo dahil sa negosyo walang klarong dulo dipende sa negosyo na pipiliin mo. Ibig sabihin kung nahihirapan ka ngayon sa trabaho mo mas sobra sa triple ang hirap sa pagnenegosyo. Bibigyan kita ng sitwasyon para maintindihan mo.

Di tulad ng empleyado kada buwan meron kang sweldo di tulad ng negosyo, may negosyi after pa ng 5-10 years pa bago makakatangap ng bayad sa sarili mo. Sa negosyo kasi di ibig sabihin kapag nag negosyo ay yayaman ka ng bigla.

Di kita dinidiscourage sa pagnenegosyo ang gusto ko lang ay maging handa ka sa kalagitnaan ng iyong pagnenegosyo kapag nag umpisa ka na.

Kahit anong negosyo subukan mo may chansa pa rin malugi ito dahil hinde yan dahil sa negosyo na pinasukan mo kung hindi sa tao na gumawa ng negosyo.

Malamang na malamang di pa sapat ang kaalaman ng nagnenegosyo o kaya iba ang pananaw sa pagnenegosyo at yun iba naman, ginagamit ay utak empleyado ang ginagamit sa pagnenegosyo.

Ito ang real talk. Walang negosyo na walang lugi, ang meron lang ay taong kahit nalulugi ay hinde pa rin nagpapatalo, ang sinasabi ko ay hindi humihinto matuto ng bago sa nakaraang negosyo nabigo dahil walang taong nalulugi sa taong binibigyan pansin ang mga bagay na minsan ay ikaw nabigo.

Hindi ibig sabihin na sa una mong negosyo mo ay sigurado ka na na magtatagumpay kana dahil walang magic sa pag nenegosyo.

Hindi ito tulad sa pagiging empleyado na kapag ginawa mo ang isang bagay, sa katapusan ng buwan meron ka ng sweldo.

Sa pag nenegosyo kapag ginawa mo ang isang bagay wala kang matatangap na pera sa katapusan ng buwan at paulit-ulit kada buwan pero ang natatangap mo ay experience at kaalaman hangang sa ilang taon na paggawa ng mga bagay na walang resulta o walang balik at sa huli pa lang babalik ang mga taon na iyong pinagdaanan ngunit mas malaki ang balik na kita kompara sa kinikita mo sa pagiging empleyado.

Ganito ang realidad sa pagnenegosyo,kailangan mo ng fundasyon ng kamalian bago mo madederetso ang iyong daan sa tunay na yaman at yun ay ang mahabang experience at kaalaman tungkol sa kabiguan

Kung umaasa ka na kapag meron kang gawin ay meron kang matatangap agad mas mabuti pagbutihan mo na lang ang pagtratrabaho at baka tumaas pa ang iyong sweldo mo ng konti.

Kung meron kang nakilala na nagsasabi na maganda itong negosyo,ganito ang gagawin mo at ganito ang makukuha mo.eto ay hindi totoo, ang resulta na puwede mong makuha ay sakaling totoo pero kalahati lang ito ng kwento, di nila sinabi na marami ka pang kailangan pag daanan bago mo makuha ang resulta,pera mo lang ang gusto nila makuha sayo.

Pero ito ang real talk. Bilang isang entreprenuer na katulad ko. Ang tunay na negosyo na walang lugi ay ang negosyo na kahit walang kita ng 5-10 years tinutuloy pa rin.

Hindi ko sinasabi na sayangin mo lang ang iyong oras ang sinasabi ko kung kaya mong harapin ang realidad ng isang tunay na negosyo, yung kaya mong tiisin ng 10 years na walang kita at after 10 years 1 million minimum net income kada taon ang naghihintay para sayo mga ganon ideya ng mga negosyo ang tunay na negosyo.

Yung ibang mga kilalang mga mayayaman sa mundo ganito rin ang pinagdaanan, meron silang ginawang malupet na mga commitment,  belief at more research sa paghahanap ng kanilang sarili bago nila nahanap ang negosyo na kaya nilang patakbuhin.

Kung plano mo mag negosyo wag mong ilagay ang buong ipon mo sa isang negosyo lalo na pag first time mo dahil nagsisimula ka pa lang hanapin ang negosyo na para sayo. At kung ramdam mo na sa sarili mo na ito na nga yung negosyo na para sayo ipuhunan mo na ang buong ipon mo.

Ngayon nasabi ko ang mga ibang bagay na kailangan mong maintindihan ganito yun gawin mo. Sa trabaho ang gawin mo ay mag ipon ka ng mag ipon, at sa ipon mo na yan kumuha ka ng konti sa inipon mong pera at yun ang gamitin mo sa mga inenegosyo mo para kung nalugi man di masisira ang buhay mo, ulit-ulitin mo lang hangang mahanap mo yung negosyo na gusto mong makamit, wag mo nang isipin ang mga bigo mong mga naging negosyo ang importante natututo ka palagi at yung ang magdadala sayo sa pag-asenso.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!
Ang Negosyo Na Walang Lugi For Filipinos Ang Negosyo Na Walang Lugi For Filipinos Reviewed by Paul on June 22, 2019 Rating: 5