Step-by-Step Paano Gumawa ng Sarili Mong Blog

paano gumawa ng blog

Plano mo bang mag tayo ng sarili mong blog pero hinde mo alam kung paano gumawa? Alam mo ba na puwede kang kumita gamit ang iyong blog kapag ito ay sineryoso mo lamang. Kung gusto mo malaman paano gumawa ng blog pwes nasa tama kang lugar. Bibigyan kita ng Step by Step Guide para madali mo itong masusundan.

Sa simula ang pagbloblog ay hinde mo ito matuturing na tunay na kitaan kasi dahil bago pa lang ang iyong blog, wala pa itong audience o mambabasa. Ang negosyo ng blogging ay nakasalalay sa dami ng taong pumupunta at nagbabasa ng mga sinusulat mo.

Puwede ka ng kumita kung nagkaroon ka na ng advertisement or for short ads sa iyong blog gamit ang Google Adsense.

Bago ka makasali sa Google adsense kailangan mong makapasa sa kanilang requirements at ito ay dapat meron kang blog, sapat na content, at dapat meron ka ng mga mambabasa sa iyong blog. at kung wala ka pa nito gawin mo munang hobby ang pag bloblog.

Wag mo munang ikwento sa iba na ikaw ay isang blogger. Wala silang paki kung wala ka pang resulta at ang resulta sa blogging kailangan ng mahabang panahon at tyaga. Oo siguro masasabi mo na  kung matagal wag na nga lang pero tanungin kita. ilang taon ka ba nag aral? Tinuloy mo pa rin kahit walang kita. bakit ang blogging ayaw mo gawin diba?

Paano kung pagkalipas ng 2 o 3 taon ganito na yung puwede mong pagkakitaan?


Paalala hindi po yan saakin pero di po yan edited dahil wala kang makikitang pixelation na di tugma, tunay po yan, ito ang itsura sa dashboard ng Google Adsense kapag meron ka na. at puwede mo rin ito kitain kapag sineryoso mo lang.

Tama na ang pag hype ko sayo tuturuan kita magsimula ng sarili mong blog.

handa ka na ba?

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

Ano ang Blogger?


Ang blogger ay isang publishing service na pinagbibigyan tayo ng karapatan na makagawa ng sarili nating blog ng LIBRE, ginawa ito ng kompanyang Pyra Labs na binili ni Google ng 2013.

Gamit ang Blogger makakagawa ng ng iyong sarili blog ng possible.

Step by Step Paano Gumawa ng Blog sa Blogger

1. Pumunta ka sa Blogger.com at mag sign in.

2.Sa left side, click mo yung down arrow.

3.Click New Blog.

4.Pumili ka ng Name para sa iyong blog.

5.Pumili ka kung paano yung web address mo

6.Pumili ka ng template.

7.Click mo yung Create blog.

Kung nahihirapan kayo sumunod sa written step by step tutorial, puwede mong panoorin itong video ni Pinoy Influencer. Enjoy guys!

Ngayon nakagawa ka ng ng sarili mong blog, kung gusto mong matuto paano mag palit ng template para sa iyong blog, puwede ka pumunta dito Design a Professional Blogger Blog.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!

Step-by-Step Paano Gumawa ng Sarili Mong Blog Step-by-Step Paano Gumawa ng Sarili Mong Blog Reviewed by Paul on June 20, 2019 Rating: 5