5 Realistic Ways Paano Kumita ng Pera Online

Paano kumita ng pera online

Paano nga ba kumita ng pera online? Ang dami ng tao nagtatanong nito. Ang daming nagkalat na mga paraan paano kumita ng pera online ngunit karamihan ng mga ito ay di totoo.

Sinulat ko itong artikulo na to para hindi mangyari sayo yung tulad na nangyari sa iba na nasayang lang ang oras at pagod nila para kumita ng pera online pero wala silang napala.

Isa rin ako sa mga tao na nabiktima kung saan nasayang lang ang oras ngunit okay lang dahil nalaman ko rin na hindi yon gagana yung nasubukan kong opportunity nung nakaraan.

Para kumita ng pera online kailangan ng mahabang commitment medyo matagal ngunit kapag matiyaga mabubuhay kang pensionado kasi sa online business mahirap talaga sa simula dahil kailangan mong patunayan na mapgkakatiwalaan ka.

At kung ikaw yung tao na gusto maging independent at gustong mag bagong buhay pwes kailangan mong malaman at pag-aralan itong mga negosyo na aking ibabahagi sayo.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

5 Paraan Para Kumita ng Pera Online

Blogging

Sa blogging kailangan mong mag tayo ng sarili mong website o blog kung di ka marunong wag kang magalala dahil meron akong tutorial na inihanda sayo. Sa blogging kailangan mong maglaan ng panahon para mag sulat ng impormasyon na maaaring magkainterest ang mga tao para hanapin ang blog mo sa internet at kikita ang iyong blog sa pamamagitan ng pag lagay ng ads sa iyong blog.

Para sa buong detalye tungkol sa blog, puwede mong basahin ang aking Patok na Online Negosyo na Hindi Kailangan ng Puhunan at kung gusto mong matuto gumawa ng sarili mong blog basahin mo yung aking Step-by-Step Guide Paano Gumawa ng Sarili Mong Blog.

Youtube/Vblogging

Vblogging ay tulad rin ng blogging ngunit di siya nakasulat at ito ay napaoanood. Kung ikaw ay mahilig mag video o mag edit ng videos siguro vblogging ang para sayo. Puwede ka kumita gamit ang videos mo na iuupload mo sa Youtube. Kapag marami na nakakanood ng iyong mga videos, puwede ka ng mag lagay ng ads sa mga videos mo sa youtube.

Freelancing

Kung meron kang skills sa photoshop,translating languages, marunong kang gumawa ng website o gumawa ng logo at iba pang related work na may kinalaman sa computer baka freelancing ang para sayo. Kung ang sunod mong tatanungin ay kung saan ka puwede sumali para maging freelancer, eto ang mga sumusunod.




Online Selling

Kung meron kang sariling produkto bakit di ka mag online selling. Alam mo ba na puwede ka mag benta sa buong pilipinas luzon,visayas o mindanao gamit ang LBC cash on delivery service at di mo na kailangan pang gumawa ng sarili mong website dahil sa online kahit facebook profile lang o gamit ang facebook fan page maaari mo na maibenta ang produkto mo ng napakabilis.

Online Tutor

Maraming mga foreigner ang nangangailangan ng mga tutor online yung mga mahina sa math pero ang indemand ay english tutor ngunit kailangan mong mag aral ng ibang language para madali kang makasabay sa mga studyante mo, ang maganda sa pagiging online tutor ay sa konting panahon lang libo-libo na ang bayad sayo at kailangan mo lang ay computer at internet lamang. Ang magiging madalaa mong studyante ay mga countries na mahirap ang english tulad ng china,japan,nigeria at etc.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!
5 Realistic Ways Paano Kumita ng Pera Online 5 Realistic Ways Paano Kumita ng Pera Online Reviewed by Paul on June 21, 2019 Rating: 5