Paano nga ba Kumita ng Pera sa YouTube? Revealed!

paano kumita ng pera sa youtube

Ikaw ba ay isa sa mga tao na gusto kumita ng pera sa YouTube? Kung Oo ay congratulation dahil nasa tama kang lugar dahil sasabihin ko ngayon dito sa page ko kung paano mo gagawin.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

Introduction Para sa mga Baguhan

Bago ka magsimula kumita ng pera sa YouTube paalala para maging successful sa YouTube, mangangailang ka dapat ng passion sa paggawa ng mga videoa dahil lahat ng nainterview ko na video bloggers sa YouTube lahat sila di kumita ng pera sa YouTube in their first whole year dahil doon darating ka sa point na mapapagod ka at minsan sa in between ng first year mo magsisimula ka ng mag duda kung kikita ka nga ba talaga sa YouTube at kung ako tatanungin mo ang sagot ko ay Oo.

Ang Simula ng Kitaan sa YouTube

Para kumita ka sa YouTube kailangan mo ng mga viewers at para magkaroon ka ng views kailangan mo ng maraming maraming videos na iupload mo sa YouTube account mo so ang key to success mo dito ay consistency o tuloy-tuloy ng pag upload ng bagong videos. Kapag umabot na ng total of 1,000 views puwede mo ng iactivate ang monetization ng YouTube account mo.

Para maactivate mo yung Google adsense mo may ipapadala sayo ang Google ng letter na may nakalagay na verification pin paraan nila para maverify nila na ikaw talaga ang may-ari ng account at dumadating ang letter dipende sa lugar mo at umaabot ito ng after 3 weeks to 1 month.

Ang kitaan sa YouTube ay hindi pare-parehas dahil naka base ang kitaan dipende sa natatangap mong views sa mga videos mo kada buwan.

Para mamotivate ka, meron akong ishashate sayo isang video blogger sa Youtube at ipapakita niya kung magkano ang kinikita niya kada buwan enjoy!


Isa Pang Paraan ng Kitaan sa YouTube

Habang tumatagal lalo na kung magaganda ang mga na upload mo sa YouTube, magkakaroon ka ng mga subscriber/follower at pag dumami na ito kapag nakita ng ibang mga negosyante(sponsors) na marami kang followers ay marami mag ooffer sayo ng magpapagawa sayo ng sponsored review video kung saan nag eendorse ka ng produkto sa iyong mga subscriber at nakadipende ang bayad dipende sa agreement ninyo kung pera ang bayad or freebies ng produktong nirereview mo.

Build Your Brand

Sa YouTube importante yung brand dito bakit? Dahil nalalaman ng mga sponsors kung ano ang bagay sayo na iendorse mong produkto. Mas mabuti kung ang pinili mong niche ay review videos. Okay lang naman kung ibang niche yun type ng videos yung gagawin mo basta importante kapag nakita ka ng mga tao alam nila kung ano yung lagi mong inaupload na video yun ang tawag na brand.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!
Paano nga ba Kumita ng Pera sa YouTube? Revealed! Paano nga ba Kumita ng Pera sa YouTube? Revealed! Reviewed by Paul on June 22, 2019 Rating: 5