Paano Simulan Ang Pag Hanap ng Trabaho Abroad

paano mag hanap ng trabaho abroad

Ikaw ba ay filipino na naghahanap ng trabaho sa abroad? Dahil madaming pinoy sa pilipinas di natin maiiwasan ang mahigpit na competition sa paghahanap ng trabaho sa pilipinas at ang malupet pa ay ang mga filipino ay nag aagawan pa sa position na maliit lang naman ang sweldo.

Kaya hindi natin maipagkaila na marami sa atin mga filipino ay walang trabahong dahil kulang sa mga filipino ang job vacancy dito sa pilipinas kaya sa iba ang solution ay mag trabaho sa abroad.

May dalawa akong paraan para makahanap ka ng trabaho abroad.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

Unang Paraan

Humanap ka ng overseas employment agency na kung saan ay registered at may license ng Philippines Overseas Employment Authority o POEA. Puwede mong bisitahin ang website ng POEA sa www.poea.gov.ph para makita mo ang listahan ng rehistrado o legal na agencies para masigurado mo na hindi ka maloloko ng napili mong agency.

Kasi madaming agencies na scam kaya kailangan para masigurado mo na legal yung agency na napuntahan mo pumunta ka sa PEOA website.

Kapag nakapili na kayo ng agency na sa tingin mo ay makakatulong sayo, puntahan mo ang kanilang office o kung may website sila bisitahin mo ang kanilang website para malaman mo kung anong bansa ang may bakanteng trabaho.

Pangalawang Paraan

Ngayon mas pinadali na ang pag apply ng trabaho sa abroad, high tech na tayo ngayon may website na kung saan ang employers ay nag popost ng job vacancy abroad at ang pinakakilalang website ay ang www.workabroad.ph. Mag register ka lang sa website at iupdate mo ang iyong account details mo. Kumpletuhin mo lang ang mga kailangan sa account details mo para mas madaling makilaka ka ng employer kapag titignan na ng employer ang account details mo.

Kapag natagpuan ka na ng employer, tatawagan ka nila agad at bibigyan ka nila ng instructions.

Puwede Ba Hindi Dumaan sa Agency at Magpa Direct Hiring?

Ngayon panahon illegal po ang direct hiring. Bakit? Kailangan ka muna dumaan sa lisensyadong recruitment agency dahil kung hindi, di ka magkakaroon ng legal na papeles na puwedeng mag proteksyon sayo kapag may nangyaring pag aabuso sayo ng iyong employer sa abroad.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!
Paano Simulan Ang Pag Hanap ng Trabaho Abroad Paano Simulan Ang Pag Hanap ng Trabaho Abroad Reviewed by Paul on June 22, 2019 Rating: 5