6 Tips sa mga Pinoy na Gusto Makaipon ng Malaking Pera

pano mag ipon ng malaking pera

Marami tayong pangarap na gusto natin matupad ngunit ang problem lagi tayo walang ipon na pera. Yung tipo na yung sueldo ay sakto lang at misan naman ay kulang pa. Paano kaya makaipon ng malaking pera habang kinakaharap itong pagsubok. Meron pa kayang pag-asa?

Kung gusto mong makaipon ng pera wala naman impossible basta gusto mo lang at ang kailangan mo lang ay tamang disiplina at ito ang aking ibabahagi sayo kaibigan.

Pero bago tayo magsimula wag mo namang kalimutan na mag follow sa aking Facebook Fan Page na matatagpuan sa sa right side ng aking blog para kung meron akong bagong tips and tricks ikaw ay manonotified.

Tips Para Sa Pinoy Na Gusto Makaipon ng Malaking Pera

Alamin Kung Saan Papunta ang Gastusin

Para ikaw ay makapag plano ng mabuti sa pagiipon ng pera mas mainam kung alamin mo kung ano-ano ang mga gastusin at ilista mo ito sa isang papel para malinaw para sa iyo kung magkano ang matitira sa iyong pera kada buwan.

Alamin Kung Para Saan ang Pagiipon

Kung plano mo ng mag ipon ng pera, alamin mo kung ano ang iyong goal sa buhay. Kung gagamitin mo ba ang sobra mong pera para sa ikagaganda ba ng iyong buhay o para bumili lang ng mga bagay na di mo kailangan at nasisira sa katagalan.

Disciplina sa Pagkain

Kung kakain ka sa labas, mas mabuti kung magbabaon ka na lang. Masyadong mahal ang pagkain sa labas. For example kung bibili ka na lang ng isda at lutuin mo sa bahay mas makakatipid ka ng triple kesa bumili ka ng pagkain sa labas na presyo na ng isang kilo ng isda sa palengke.

Sa simula umiwas ka munasa pagkain di naman nakakabusog tulad ng mga junk foods, isa yan sa mga sagabal sa iyong pagiipon dahil kung di ka nabubusog malamang gagasto ka ulit ng pera para sa pagkain.

Unahin ang Priorities

Kung plano mong mag ipon mas mainam kung alam mo ang iyong mga kailangan. Yung iba kasi inuuna yung gusto nila mabili kaya sa katapusan ng buwan walang ipon.

Magkaroon ka ng Savings Plan

Maghanda ka ng lalagyan ng iyong saving tulad ng isang extrang wallet na iiiwan mo sa iyong bahay, kada katapusan ng buwan mag tago ka ng for example kahit 50 pesos kada buwan para masigurado mong meron kang natatago na pera pero kung kaya mo mas malaki mas okay. Puwede rin ito magsilbing bilang isang emergency fund para if in case of emergency di mo magagamit yung natitira mong pera, doon mo sa emergency savings mo kukunin yung pang emergency mo.

Sa Negosyo Mo Ilaan ang Ipon Mo

Maraming negosyo na puwede mong gawin kahit nagtratrabaho ka, puede ka mag online business sa maliit na halaga. Dito sa blog ko tuturuan kita at bibigyan kita ng mga ideya ng mga negosyo na puwede mong masubukan.

Kesa mag ipon ka para makabili ng bagay na di naman magtatagal, ilaan mo ang iyong pera sa bagay na mas lalo mag pa doble ng pera mo, alam ko naman na nagbibigay ng saya kapag nakakabili ka ng mga bagay na gusto mo ngunit kailangan mo munang mag tiis dahil di pa sapat yung kinikita mo. Kaya mag ipon ka ng pera at tumayo ka ng sarili mong negosyo na makakatulong para makaipon ka pa lalo ng pero.

Sana ay nakatulong sayo ang page na to. kung meron kang duda tungkol dito o kung meron kang gustong ipaalam sakin, wag na magdadalawang isip na mag iwan ng kumento sa baba. Excited na ako malaman kung ano ang nasa iyong isipan. salamat sa time mo at good luck sayo!
6 Tips sa mga Pinoy na Gusto Makaipon ng Malaking Pera 6 Tips sa mga Pinoy na Gusto Makaipon ng Malaking Pera Reviewed by Paul on June 21, 2019 Rating: 5